mga halimbawang sitwasyong na nagpapakita ng gamit ng wika sa lipunan
Ayon sa aking pananaliksik may maraming mga sitwasyon na nagpapakita ng gamit ng wika sa lipunan: Araw-araw na pakikipag-usap dito natin nauunawaan ang nais ipahiwatig ng ating kapwa at nagkakaintidihan tayo dahil araw araw tayong nakikipag-usap at nakakatulong din ito at napapaunlad dahil sa ito ay ating ginagamit kaya mas lalo itong umusbong. Pakikipagtalastasan sa pamamagitan din nito naipapahayag natin ang ating kanya-kanyang saloobin at ito ay nakakatulong sa mga tao upang magkaroon ng pagkakaisa at dahil sa wika nailalahad natin ang ating saloobin at damdamin. Sa pagbabalita dahil sa mga mamahayag nalalaman natin ang ibat ibang nangyayari sa ating bansa dahil sa wika na ating ginagamit. Nagagamit ang wika sa pagbati o pag papanatili ng relasyong sosyal.Paraan din ito upang makapag pahayag ka ng sarili mong opinyon na maaring makatulong sa iba sa lipunan.